Loading...

Sorry, you are not currently authorised to use the file uploader on this webpage. Please Opt-in to Non Essential Cookies or contact us for more information.

Pilipino Funny Komiks For Children

Posted Date: Monday October 04, 2021
Written By: Ellen Cabajar- Kho

Taong 1978 unang nilathala ang Pilipino Funny Komiks for Children sa pamamatnubay ng unang patnugot nito, G. Ramon Marcelino sa pamamahala ng Islas Filipinas Publishing Co, Inc., ang tinuguriang" longest running publication of children's comics in the Philippines history". Orihinal at may konseptong Ingles ang nilalaman nito at di nagtagal ay pinalitan ng ating wikang Pilipino sa kagustuhang tangkilikin ito ng masa.


Unti-unti'y ngbigay ng magandang pagtanggap ang nasabing babasahin sa kadahilanang nagbibigay-aliw ito sa mga kabataang mambabasa nang panahong iyun. Napaibig nila ang pulso ng matatanda ay naging libangan sa bawa't tahanan. 

Siguro'y dahil tinipon nila ang mahuhusay na manunulat at tagpag-guhit noon. Katulad ng serye ni Pat V. Reyes at Vic Geronimo na si Niknok, Darmo Adarna ni Ramon Marcelino, Superkat ni L.S Martinez, Superdog ng Escaurriaga brothers, Planet Opdi Eyps at Mr & Mrs ni Roni Santiago at marami pang iba ( paumahin po sa di ko nabanggit ).


Naging sapat ito at patuloy na tinangkilik...dumating din ang pagkakataon na pinalitan ni Bb. Angie Marcelino ang kanyang ama sa pagiging patnugot at ipinasa nman kay Gng. Rose Lorilla- Corre. Sila'y patuloy na nagtulong- tulong upang mapanatili ang milyong subskripsyon ng Pilipino Funny Komiks hanggang sa ibang bansa ay nkarating. Halos umapaw ang iniimprentang kopya sa bubong ng gusali. Sa panahong iyun, nakita mismo ng mga mata ko kung paano ito nangyari. Kaya't di ako ngdalawang-isip na tanggapin nang ako'y inalok na palitan ang huling patnugot nito.


Nagsimula akong gumanap 1997, nang ang seryeng Combatron ni Berlin Manalaysay ay ganap na bidang sinusubaybayan ng masugid na kabataan. Isang malaking hamon din ang unti-unti kong ginawang transformation dahil nag-iba ng trend ang mga mapanuring kabataan noon. Nahilig sila sa anime, isang banyagang estilo sabay sa pag-angat ng  panahong computer. Expiremental ang ginawa ng inyong lingkod, ang dami kong binigyan ng espasyo sa pahina nito at ipinagtanggol ko bawat serye tulad ng Adeniss X ni Dexter Roxas,  para patuloy kung mahakot ang panlasa ng mga tagasubaybay.


Lumitaw din ang talento ni Stephen Jorge Segovia na ngpatuloy ng Tom en Kulas, na ngayo'y isang sikat na international comics artist.

Bilang patnugot, ang aking pamantayan ay dapat naabot ko ang puso at isip ng mga bata kaya't nagbigay-daan ako sa pamamagitan ng kids corner na boses nila. 

Narito ang mga sinabi at nagawa ng Pilipino Funny Komiks sa buhay nila;

Ingliserong bata:

It helped us learned how to read tagalog words fluently...at the same time enjoyed how to draw our favorite characters. We're so excited waiting the stuff every Friday. Kasi nman, tuwing Biyernes po ang labas sa newspaper stand ng ating komiks. 

Sabi pa ng isang nanay...

In a little way, PFK contribute to our children's  adopting Filipino customs and values because mostly...using po and opo  in short stories they read.


It turned out, an inspiration more of the content that made them happy and satisfied. In their daily lives, they want it to apply and become a good example to many by sharing the good thoughts out of it.  Infact more parents reach-out to me then and said these good things which i believed I myself done my contribution to every children who patronize PFK.


Years past, it had a big impact to children but not until more computer anime is rampant in computer time blooms. All of a sudden, calamities begun to hit our country...Pinatubo eruptions, earthquakes in Central Luzon and uncertainty of our government ( terms of Pres. Joseph E. Estrada) publication begun to suffer... collections of payment in the published magazines and comics are stop and no longer collectibles. That made publication hard to surpassed the means and eventually decrease all monetary matter.


These time, the publisher Islas Filipinas Publishing Co, Inc.  got hold and stopped until 2003, and the owner migrated to Florida, USA. And come another sister company of Islas, the Solid Gold Publishing Co. 

Itinuloy po namin ang paggawa ng komiks, maraming nagbago, masyadong naghihirap po ang ating bansa dahil sa kurapsyon  kasabay ng pabagsak ng bilang na iniimprentang kopya. Ang mga bata halos nakatuon na lng sa computer rental dahil sa naglabasang anime characters ay nagpatuloy. Tumagal lamang kami hanggang 2008. Pilit pong isinasalba ng Infinito Publication ang huling kumpanyang naglimbag subalit kulang sa dedikasyon ang may-ari. At ang mga tauhang katulong ay nkapag- isip ng ibang larangan. Ito na po ang huling paglimbag ng minahal at di malilimutang kontribusyon natin sa ating kabataan. 

May kasabihang, lahat po ng kwento ay may katapusan ngunit nag-iwan nman ito ng munting tatak sa ating mga puso at isip, ang Pilipino Funny Komiks for children sa habang panahon.


Humihingi po ako ng paumahin sa ibang mga artist na di ko nabanggit sa aking sinulat. Gabayan po sana tayo ng Poong Maykapal sa ating mga buhay. God bless po

Stacks Image 6

© Copyright 2019-0000 | All Rights Reserved